Sigaw ng mga fan: Yassi may ka-live in na online gamer

 Nang makapanayam ng entertainment press si Yassi Pressman sa game show niya sa TV5 na “Rolling In It Philippines,” hindi naman siya nag-deny na masaya ang puso niya ngayon.



Though, binitin nito ang sagot at hindi sinabi kung sino ang present man in her life. Sa isang banda, mukhang hindi tanggap ng ibang mga netizen o ‘yung talagang nakatutok siguro sa bawat ganap ni Yassi.


May nag-comment kasi nang i-upload namin ang interview kay Yassi at i-caption na may bago itong karelasyon. May umapela at nag-comment na, “Walang bagong boyfriend si Yassi dahil matagal na silang magka-live in ni Jon Semira.”


Ganun? Ini-isyuhan na agad na live-in, ‘di pa nga umaamin, huh!


Bigla tuloy naming binisita ang Instagram account na tinutukoy ng netizen. In fairness, may mga post ito na kasama si Yassi pero grupo silang madalas. At tulad ni Yassi, mukhang into online gaming din.


So wait na lang natin kung ito na nga ba ang nagpapasaya sa puso ng actress ngayon.

Comments

Popular posts from this blog

Dating Housemate ng Big Brother Pumanaw Na

‘I’m heartbroken’ Amber talunan, pinahiya ni Johnny